Boy Abunda kikilitiin ang ‘Festival of Life’ ni Gob. ER Ejercito

SA ANIM na buwang panunungkulan bilang Gobernador ng Laguna, marami na agad napatunayan si Gob. ER Ejercito.

Naging maayos at maganda ang lalawigan ng Laguna sa tulong na rin ng mga taong sumuporta at nagbigay tiwala sa bagong halal na gobernador. Nitong buwan ng Abril muling magkakaroon ng kasiyahan ang Laguna dahil magaganap ang “Laguna Festival of Life” mula April-11-17, 2011.

Iba’t ibang exciting events ang magaganap tulad nang Fireworks Conpetition, Senior Citizen Ballroom Dancefest, Street Dance Showcase, Carnival Queen at Little Mr. &  Ms. Laguna.

Sa Sabado ang final night ng Ginoong Laguna kung saan  si Kuya  Boy Abunda ang host and at the same time siya ang magtatanong sa mga contestants para sa patalinuhan portion. Exciting, diba?

Co-hosts sina Giselle Sanchez at Teri Onor.

Sa Linggo naman ang Binibining Laguna finals kung saan  guest si Bokal Gary Estrada at ang kabiyak na si  Bernadette Allyson. Si Duncan Ramos naman ang magse-serenade sa mga finalists.

Sabi ni Gob. ER, sobrang ipinagmamalaki niya ang progress ng Laguna dahil tumaas ang income nila sa  turismo.

Among the first class provinces, naka-pwesto ang  Laguna sa Top 3 most visited,  progressive at sa pangunguna nito sa pagpapahalaga ng kalikasan sa naturang probinsya, number one ang Palawan at ang Sagada ng Mt. Province ang number two.

No wonder pinarangalan ng PIA (Phil. Information Agency)  bilang No. 1 & Best Province ang Laguna kamakailan lang.

oOo

“It’s Sampol Time” ng dalawang sikat na Jose Manalo at Wally Bayola ng “Eat Bulaga”  portion na Juan For All All For Juan  sa Zirkoh bukas (April 16, Sabado) kasama sina Ryan Bang at Yachang, di ba Lito Alejandria? Anthony Solis

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply