Boy Abunda nakipag-face off sa abogado ng mga ‘mandarambong’

ANG pangalan ni  Estelito Mendoza bilang abogado ay amoy- bad taste in the mouth  dahil associated siya sa mga high profile cases ng mga alleged mandarambong ng kayamanan ng bansa, di ba naman? Dahil maka-demokrasya tayo, kahit alam naman natin ang katotohanan sa likod ng buhay-buhay ng mga mandarambong sa bansa ay pinapakinggan pa rin natin ang mga abogado nila in court. Kadalasan napapanalo pa nila ang mga mandarambong dahil money talks in this country, di ba naman?

Ngayong Sabado sa “The Bottomline with Boy Abunda,” ang batikang abogado na si Estelito Mendoza ang haharap sa mga tanong ng bayan at matapang na uupo sa hotseat.

Nakilala si Atty Mendoza sa paghawak ng ilang mga high profile cases  gaya ng mga Pamilyang Marcos, Danding Cojuangco, Lucio Tan, Erap Estrada, Fernando Poe Jr. at ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Pero mas umingay ang kanyang pangalan nang maging leader ng defense counsel ng dating pangulong Joseph “Erap” Estrada sa impeachment trial.

Totoo bang hindi siya tumatanggap ng kaso hangga’t walang acceptance fee na limang milyong piso? Ating alamin! Elson Galido

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply