Brazilian host ng Eat Bulaga kinasuhan sa hindi pagbabayad ng buwis

NASA ‘hot water’ ngayon ang Brazilian television host ng noontime show “Eat Bulaga!” matapos sampahan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice.

Sinabi ng BIR na si Daiana Menezes ay hindi nagpasa ng kahit na anomang ‘return for taxable’ sa taong  2007 hanggang 2009 sa kabila ng iniuutos ito ng batas lalo na sa resident alien na ang kinikita ay mula sa Pilipinas.

Si Menezes, isang Brazilian actress, model at TV host ay tumira sa bansa simula pa noong 2007 na may address sa 4C Bright Place Condominium, Scout Bayoran St., Quezon City, regular host ng “Eat Bulaga!” na iniere sa  GMA 7 simula pa noong 2007.

“Based from available documents gathered by the BIR, Ms. Menezes received a total taxable income of P2,659,668.10 in 2007 to 2009 from various sources including Baliwag Lechon Manok, Inc., TAPE, Inc. and GMA Network but failed to pay any tax,” pahayag sa BIR’s press statement.

Sinasabi na ang tinatayang aggregate tax liabilities nito na umabot sa P983,658.07 para sa deficiency income at percentage taxes na kumokober sa taxable years 2007 hanggang 2009, hindi pa kasama ang surcharges at interests.

Ayon sa BIR, nagrehistro si Menezes sa ahensiya sa dahilang makakuha ng isang Taxpayer Identification Number bilang parte ng ‘essential requirements’ para sa lahat ng aplikasyon para sa government permit, license, clearance, official paper o dokumento.

“Under such registration, her tax type is ‘not taxable,’ which will show the willfulness of her act of evading payment of taxes,” pahayag pa ng BIR.

Ang kaso ni Menezes ay ang ika-38th na isinampa sa ilalim ng programang Run After Tax Evaders (RATE) ng BIR sa ilaim ng liderato ni Commissioner Kim Jacinto-Henares. Robert C. Ticzon

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply