Brgy. chairman inutas sa loob ng bahay

HINIHINALANG may malaking kaugnayan sa bawal na droga ang pamamaslang sa isang barangay chairman makaraang pagbabrilin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Pasay City, ng dalawang maskaradong salarin Sabado ng gabi, April 9.

Agad na namatay bunga ng mga tinamong tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Rolando Tambangan, 38, brgy. chairman sa Brgy 185 Zome 19, residente ng No. 46 R. Higgins St., ng naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Leo Labrador, may hawak ng kaso, dakong
7:30 ng gabi habang ang biktima ay nagkakape sa balkonahe nang di
namalayan ang pagpasok sa loob ng bahay ng dalawang suspek na pawang
naksuot ng bonnet.

Walang awang pinagbabaril ang biktima ng mga salarin at matapos ang pamamaslang ay agad na tumakas ang mga ito.

Nakakuha ang mga imbestigador ng pitong basyo ng kalibre .45 at apat
na depormadong bala sa lugar na pinangyarihan.

Nabatid sa impormasyong nakuha sa mga residente, si Chairman
Tambangan ay naging masugid na kaagapay ng awtoridad laban sa pagsugpo ng iligal na droga sa barangay na nasasakupan.

Ang naturang chairman ay nakapagpakulong na mga nagbebenta ng droga at drug addicts.

Posible umanong may mga nasagasaang drug dealer ang suspek kaya
naghiganti mga ito kaya pinatay ang biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply