Britanya magpapadala ng military team sa Libya

INIHAYAG ng Britanya na magpapadala na sila ng military team sa Libya at nakahandang magpadala ng military forces para sa humanitarian assistance kung hihilingin umano ng United Nations.

Nangyari ang pahayag makaraan bombahin nang walang humpay ng mga tauhan ni Moammar Gadhafi ang Mistara na ikinamatay ng maraming sibilyan at rebelde kabilang na ang 20 mga bata. Humihingi na ng military assistance sa NATO ang mga residente at rebelde doon para mabawasan ang mga casualties.

“The situation is very dangerous, every day the shelling is increasing. They are using more types of weapons, and people are wondering why NATO is not doing anything,” ayon sa isang residente ng Mistara.

“This deployment is fully within the terms of UNSCR 1973 both in respect of civilian protection and its provision expressly ruling out a foreign occupation force on Libyan soil,” ayon kay British Foreign Secretary William Hague.

“Consistent with our obligations under that resolution, our officers will not be involved in training or arming the opposition’s fighting forces. Nor will they be involved in the planning or execution of the NTC’s military operations or in the provision of any other form of operational military advice,” dagdag pa ni Hague. Marjorie Dacoro


About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply