Briton namatay sa selda ng Dubai

ISANG briton na nagbabakasyon sa bansang Dubai ngunit naaresto dahil sa pag-atake sa isang babaing staff sa tinutuluyang hotel ang namatay abang nasa kamay ng mga pulis, ayon sa pinalabas na statement ng Dubai Prosectuor’s office.

Natagpuang patay si Lee Bradley Brown sa kanyang selda dahil sa pagkaka-suffocate, ayon sa kapulisan.

“Dubai Public Prosecution is investigating the death of British citizen Lee Brown who died in Bur Dubai police custody,” ayon kay prosecutor Essam al-Humaidan.

“The post-mortem report … had shown the death of the British tourist was caused by suffocation from vomit in his respiratory tract. Blood and urine tests… revealed traces of hashish in the blood of the deceased,” dagdag pa ni al-Humaidan.

Nakikipag-ugnayan na ang British Embassy sa Dubai Police at tiniyak ng huli na magkakaroon ng full and transparent na imbestigasyon sa insidente.

Naiulat kamakailan na tumawag pa ang mga kaanak ng biktima sa british embassy dahil tinu-torture umano si Brown habang nasa loob ng kulungan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply