Buena mano ng Lady Eagles

ISANG magandang panimula ang itinala ng Ateneo Lady Eagles sa 8th Shakey’s V-League nang pabagsakin ang Far Eastern University Lady Tamaraws sa 3 straight sets sa PhilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bumanat ang guest player na si Alyssa Valdez ng 14 hits at 8 digs na inalalayan ng nagbabalik na Thai import na si Lithawat Kesinee ng 9 hits, kabilang ang dalawang service aces at dalawang blocks para itala ang 25-17, 25-22, 25-20 buena manong panalo.

Sa kasunod na laro, nagpasabog ng 15 hits si April Ann Sartin ng University of Perpetual Help Altas, bukod sa 11 digs sa 25-18, 25-17, 25-17 na panalo laban sa National University Lady Bulldogs.

Ang panalo ng Lady Eagles ay magandang pasalubong sa pinakabatang volleyball coach ng 10-team composition na si Charo Santos na 25 anyos.

Nakapaglaro si Santos sa Loyola-based Volleybells sa UAAP noong 2005 hanggang 2008 at huling namalas na pumalo sa Shakey’s V-League noong nakaraang season.

Magpapaluan ngayong alas-dos ng hapon sa PhilOil Flying V Arena ang College of St. Benilde at University of St. La Salle-Bacolod na susundan ng paluan ng Lyceum Lady Pirates at Southwestern University of Cebu. Radito Torres/Photo by: Rey Nillama

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply