Building Code ipinarerebisa

NANAWAGAN kahapon si Environment Secretary Ramon J. P. Paje na rebisahin ang Building Code of the Philippines dahil sa takot ng publiko sa magiging epekto ng geologic hazards sa mga gusali at structural integrity ng mga ito.

Ani Paje, natakot ng husto ang mga Filipino dahil sa sunod-sunod na pagyanig ng malalakas na lindol na halos dumurog sa Japan, Haiti, Chile, at New Zealand.

Aniya, dapat lamang na silipin kung gaano kainam ang Building Code na ating sinusunod.

Gayundin, inatasan ni Paje ang Environmental Management Bureau (EMB) na tutukan ang Engineering Geological and Geohazard Assessment Report (EGGAR) sa Environmental Impact Assessment (EIA) System na iniaatas ng Presidential Decree No. 1586.

Matatandaang isang trahedya ang naganap noong August 1999 kaugnay ng pagguho ng Cherry Hills landslides sa Antipolpo.

Dahil dito, nag-isyu ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Administrative Order No. 2000-28, upang makontra ang posibleng epekto o impact ng geologic hazards sa buhay ng tao.

Ipatutupad nito ang  implementing guidelines sa engineering, geological at geohazard assessment bilang dagdag na requirement sa ECC applications.

Binigyang-diin ni Paje na ang EGGAR ay ikokonsiderang basic requirement, lalo na sa development projects sa mga lugar na palaging nagkakaroon ng landslides at pagbaha, at ang malalapit sa faultlines at bulkan.

Kaugnay nito, hiniling ni Paje sa mga ahensya ng gobyerno at local government units na gumagamit ng Building Code na basehan ng pagpayag sa land development projects upang masigurong naipatutupad ang mga  rekomendasyon ng EGGAR.

Ang Pilipinas ay natural na nagkakaroon ng iba’t ibang geologic at natural hazards tulad ng lindol, pagputok ng bulkan, at kung anu-ano pang paggalaw dahil sa geographic, geologic at tectonic setting nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply