Building Code ipinarerepaso

MULING ipinarerepaso ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon J.P. Paje sa pamahalaan ang Building Code of the Philippines bunsod ng pagkabahala ng publiko sa geological hazards sa integridad ng istraktura ng iba’t-ibang imprastraktura kabilang na ang mga kabahayan at gusali sa bansa.

“The series of strong earthquakes that jolted Japan, Haiti, Chile, and New Zealand should give us an impetus to go revisit our Building Code to determine if it already needs some updating,” ani Paje.

Kasabay nito,  inatasan na rin ni Paje ang Environmental Management Bureau (EMB) na trabahuhin na ang pagsasama ng Engineering Geological and Geohazard Assessment Report (EGGAR) sa Environmental Impact Assessment (EIA) System na kinakailangan sa pagtatayo ng istraktura sa ilalim ng Presidential Decree No. 1586.

“Following the Cherry Hills landslides in August 1999, the DENR responded by issuing DENR Administrative Order No. 2000-28, to address the possible effects or impacts of geologic hazards on people’s lives and properties,” sabi ni Paje.

Nakasaad sa DAO 2000-28 ang gabay sa pag-i-isyu ng engineering geological and geohazard assessment bilang karagdagang kakailanganin bago maaprubahan ang aplikasyon para sa ECC (Environmental Compliance Certificates) ng mga subdivision, pabahay, at iba pang proyekto sa pag-develop ng lupa at imprastraktura.

Binigyang-diin ng kalihim na dapat ikonsidera ang EGGAR bilang basic requirement lalo na sa development projects na nasa lugar kung saan posibleng magkaroon ng landslides at pagbaha, at doon sa mga malapit sa faultlines at mga bulkan.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Paje ang national government agencies at local government units na gamitin ang Building Code bilang batayan sa pag-apruba sa land development projects upang matiyak na naipatutupad ang lahat ng rekomendasyon ng EGGAR kapag isinasagawa na ang konstruksyon ng anumang istraktura. Robert C. Ticzon

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply