Bulkang Taal 12 beses yumanig

NAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 12 pagyanig sa bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras

Sa pinakabagong ulat ng Phivolcs, dumarami ang naitatalang pagyanig kung saan dalawa rito ay may may kalakasan at naramdaman ng mga residente sa Barangay Calauit at timog silangang bahagi ng bulkan.

Naitala rin ang mataas na temperatura ng tubig sa main crater nito na may 30.5 degrees Celsius.

Nananatili sa alert level 2 ang bulkan. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply