Bulkang Taal itinaas sa alert level 2

BUNSOD ng patuloy na abnormalidad na aktibidad ng bulkang Taal sa Batangas, itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa 2 ang alert level nito.

Itinaas ng Phivolcs ang alert level 2 bandang 7:00 ng umaga, Biyernes, Abril 9 bunsod ng lumalalang aktibidad nito kung saan nakapagtala sila ng 21 pagyanig sa loob lamang ng 24- oras.

Ayon pa sa Phivolcs, bukod sa naitalang dalawang malalakas na lindol nang naramdaman, may kasama pa itong pagdagundong sa loob.

Sinabi pa ng Phivolcs na lumalakas ang posibilidad na maglabas ng magma ang naturang bulkan dahil sa naitalang pagtaas ng CO2 concentration sa crater nito.

Kaugnay nito, ipinagbawal na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga residente at mga turista ang dumako sa loob ng pitong kilometro mula sa bunganga ng bulkan upang makaiwas sa posibleng sakuna.

“Phivolcs advises the public that the Main Crater, Daang Kastila Trail and Mt. Tabaro are strictly off-limits because sudden hazardous steam-driven explosions may occur and high concentrations of toxic gases may accumulate.” Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply