Bulkang Taal nasa alert level 2 pa rin

NANANATILING nasa alert level two ang Bulkang Taal sa Batangas matapos na mag-alburuto ito nitong mga nakaraang araw.

Inilagay sa alert level two ang nasabing bulkan matapos na makapagtala sa loob ng 24 oras ng 21 pagyanig na indikasyon ng mahinang pagsabog.

Magkagayunman, nilinaw Lunes ng umaga ni Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi pa ipanatutupad ang force evacuation para sa mga residente sa paligid ng Taal.

Aniya, nakadepende ito kung nais na ng lokal na pamahalaan ng lugar na ilikas na ang mga nasasakupan nito upang makaiwas sa panganib na posibleng idulot ng nag-aalburutong bulkan.

Pinayuhan ni Solidum ng mga residente na kailangang maging alerto at bantayan ang aktibidad ng Taal.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Solidum na ligtas kainin ng tao ang mga isda na nahuhuli sa paligid ng Taal kahit na may presensya ng carbon dioxide dito. Alex Luiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply