Bungang-araw, sunburn sa tag-init —DoH

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa bungang-araw at sunburn na karaniwang sakit sa balat na nakukuha tuwing panahon ng tag-init.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, ang bungang-araw ay kalimitang nakukuha bunsod ng labis na pagpapawis dulot ng napakainit na panahon, habang ang sunburn naman ay bunga ng over-exposure sa sikat ng araw.

Paliwanag ni Tayag kung magbabara umano ang sweat ducts ng isang tao ay hindi makalalabas ang pawis na nagiging sanhi ng rashes o pagkakaroon ng bahagyang pamamaga na nauuwi sa bungang-araw.

Kalimitan aniyang mga bata na madalas na maglaro sa ilalim ng sikat ng araw ang nagkakaroon ng bungang-araw.

Madali lamang naman aniyang gamutin ang bungang-araw sa pamamagitan ng pinaghalong pulbos at starch, o di kaya’y calamine lotion, na ipapahid sa apektadong balat.

Madali rin aniyang maiwasan ang sunburn na karaniwang nakukuha ng mga taong naliligo sa beach, sa pamamagitan ng pagpapahid ng sunblock lotion na may mataas na sun protection factor (SPF).

Ang SPF ang tumutukoy kung gaano ka-epektibo ang proteksiyon na ibinibigay ng isang lotion, at kung mas mataas ito, ay mas makabubuti aniya.

Kung na-sunburn naman, maaaring gumamit ng petroleum jelly o di kaya’y aloe vera gel upang mabawasan ang pananakit ng nasunog na balat. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply