Bus nahulog sa bangin sa Bataan, 62 sugatan

SUGATAN ang 62 katao na sakay ng isang bus matapos mawalan ito ng preno at mahulog sa may di kalalimang bangin sa Barangay Bakal, Dinalupihan Bataan, Miyerkules ng umaga, Abril 13.

Pawang mga empleyado ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang sakay ng bus.

Base sa ulat, 59 ang sugatan sa pasahero ng bus habang tatlo sa 62 ay nakasakay sa isang van na nadamay lang sa nasabing insidente.

Sa inisyal na report ng pulisya, nagpagewang-gewang pa ang bus bago ito nahulog sa bangin.

Samantala, dinala naman ang mga nasugatang pasahero sa James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply