Bus sa Cairo swak sa ilog, 22 dedo

ISANG minibus ang nahulog sa Ilog Nile sa Cairo Egypt na ikinasawi ng 22 pasahero habang lima pa ang nawawala.

Nabatid na lulan ang nasabing minibus sa isang ferry na naglalayag sa ilog Nile.

Ayon pa sa ulat, nakalimutan umano ng driver nito na i-on ang hand brake ng bus dahilan upang mahulog ito sa ilog.

Maglalamay sana sa isang patay ang mga nasawi.

Samantala, sampu sa mga pasahero ang nakaligtas sa aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply