Bus sa Islamabad sumabog, 3 patay

NAMATAY ang tatlo katao habang walo ang malubhang nasugatan nang pasabugin ang isang pampasaherong bus sa katutubong bahagi ng hilagang-kanluran ng Pakistan.

Sa ulat, ang itinanim na bomba ay pumutok habang  patungo ang pampasaheng bus sa Kurram agency, isa sa pitong semi-autonomous agencies malapit sa Afghanistan na nasa hilagang-kanluran ng Pakistan.

Napag-alaman sa report, ang Kurram agency ay kinokonsidarang pinaka-ligtas na lugar para sa mga militante na nagtutungo sa naturang lugar.

Sa kasalukuyan wala pang grupo ang umaako sa naganap na pagsabog.

Agad naman nagtungo sa pinangyarihan ang rescue forces upang makatulong sa mga biktima nang madala ang mga ito sa pagamutan.

Ayon sa ulat, ang Kurram agency ay malimit na nagdaranas ng planong karahasan ng terorismo.

Nito lamang nakaraang buwan sinunog ng terorista ang limang pampasaherong bus at dinukot ang isang pampasaherong van na naglalaman ng 45 pasahero kabilang ang babae at mga bata. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply