Bus sumalpok 2 patay

DALAWA ang patay habang lima ang sugatan makaraang sumalpok ang isang bus malapit sa Skyway ramp sa Bicutan sa southern Metro Manila, umaga ng Huwebes.

Ayon kay Skyway special operations projects head Ed Nepomuceno mabilis na tumatakbo umano ang bus (Body No. 6013) nang sumalpok ito.

“Ito ay Lucena Bus Lines, self-accident siya … sa kasamaang palad ang driver (at konduktor) ay nasawi ,” ayon kay Nepomuceno sa isang panayam sa dzRH.

Hindi naman agad napangalanan ang mga nasawi.

Nabatid na limang pasahero ang isinugod sa hospital para magamot.

Nagmula ang bus sa Quezon province papunta sana ng Metro Manila.

“Mukhang mabilis ang takbo at maluwag ang trapiko (at) naipit ang driver,” ayon pa kay Nepomuceno. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply