Bus, tren muntik magsalpukan, 2 sugatan

NAGKAGULO at nasugatan ang dalawa katao nang mag-panic ang mga pasahero matapos na isampa ng driver ng bus sa gitna ng riles ang minamanehong sasakyan habang may paparating na tren sa Taguig City, Miyerkules ng umaga, Abril 27.

Nasa kustodiya na ng Taguig PNP ang driver ng bus na si Elvin Arasa, matapos ireklamo ng kanyang mga pasero na pawang nabingit sa kamatayan ang buhay.

Sa ulat, naganap ang insidente bandang 9:35 ng umaga sa ilalim ng Nichols underpass habang minamaneho ni Arasa ang pampasaherong CEM bus (PYK-488) nang maipit sa pagsisikip ng trapiko.

Dahil bankante at may espasyo pa sa kanyang unahan, pilit na isinampa ni Arasa ang bus sa gitna ng riles na nagkataon na may paparating na PNR-train na galing ng Makati City patungong Alabang.

Dahil sa pagsisikip ng trpiko, hindi na nagawang iusod ang bus na may ilang metro na lang ang layo sa tren.

Agad na nagtalunan ang mga pasahero nang makitang malapit nang magbanggaan ang tren at sinasakyang bus na dahilan din ng pagkakasugat ng dalawang pasahero.

Halos dalawang dangkal na lamang sa bus ang nguso ng tren bago ito huminto at naiwasang masalpok ang pampasaherong bus.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang driver ng bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply