Buwis sa mga minahan itataas ng Senado

ITATAAS ng Senado ang buwis na kinokolekta ng pamahalaan sa lahat ng minahan at quarrying companies partikular ang excise tax upang matugunan ang posibleng pagkasira ng kapaligiran sa lugar na minimina tulad sa Compostela Valley.

Sinabi ni Sen. Ralph Recto, napapanahon ang pag-aaral kasunod nito ang pagbabago sa excise tax rates matapos ang landslide sa Pantukan town, Compostela Valley na ikinamatay ng walong katao at mayroon pang nawawala.

“A review and subsequent adjustment in the excise tax rates is absolutely timely with the news of landslides, river poisoning and tribal dislocation resulting from mining and quarrying now hogging the headlines,” ayon kay Recto

Nitong nakaraang Good Friday, gumuho ang isang minahan sa Pantukan, Compostela Valley na ikinamatay ng walo katao.

Tinukoy ni Recto, chairman ng Senate committee on ways and means, na hindi nagbabago ang buwis na kinokolekta sa lahat ng metallic minerals tulad ng ginto, tanso at chromite simula pa noong 1994 nang pagtibayin ang RA 7729 na epektibong naibaba ang excise tax sa metallic at non-metallic minerals tulad ng quarry resources kabilang ang granite, limestone at clay.

Sa ilalim ng National Internal Revenue Code (NLRC), pangkaraniwang umaabot lamang sa dalawang porsiyento (2%) ang buwis na kinokolekta sa metallic minerals at quarry resources.

Komokolekta ng excise tax ang gobyerno sa lahat ng espisipikong aktibidad tulad ng minahan at quarrying.

Dahil dito, inihain ni Recto ang isang panukala na itaas ang buwis na kinokolekta sa metallic minerals tulad ng nakukuhang ginto sa Compostella Valley tungo sa 7% upang makatulong na makahanap ng sariwang pondo ang pamahalaan na aabot mula sa P1.7 bilyon hanggang P3.3 bilyon kada traon mula sa kasalukuyang P702.7 milyon lamang. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply