Cacayan at pamilya Ordinario nagharap na

NAGING mainitan ang paghaharap ng pamilya Ordinario at ang recruiter nang binitay na si Sally Ordionario-Villanueva na si Mapet Cortez o Tita Cacayan sa Department of Justice (DOJ).

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling nagkaharap sina Cacayan at pamilya ni Sally mula nang bitayin ito sa China noong nakaraang buwan.

Sa isinagawang preliminary investigation, Lunes, Abril 18, kaugnay sa kasong human trafficking at large scale illegal recruitment, mariing pinabulaanan ni Cacayan ang lahat ng akusasyon laban sa kanya.

Sa simula ng pagdinig, hiniling ni Jason Ordinario, kapatid ni Sally, kay assistant senior state prosecutor Lilian Doris Allejo na basahin sa pagdinig ang liham noon ni Sally sa konsulada sa China upang makita ang reaksyon ni Cacayan.

Subalit hindi pa man natatapos ang pagbasa ay kinokontra na agad ito ni Cacayan at pinabubulaanan ang mga nakalagay sa liham.

Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa Abril 25 kung saan inaasahang magsusumite na ng counter affidavit si Cacayan. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply