Cacayan kinasuhan ng drug trafficking ng NBI

INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) na kinasuhan nila ng drug trafficking sa Department of Justice (DOJ), Ngayong Biyernes, Abril 1, si Mapet Cortez o Tiya Cacayan, ang recruiter ng binitay na si Sally Ordinario-Villanueva.

Ayon kay Atty. Ruel Lasala, deputy director for Intelligence Service ng NBI, kahit pa nagtatago ngayon ang drug mule na si Tita Cacayan ay tuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Sinabi pa ni Lasala. isinampa sa DOJ ang kasong drug trafficking laban kay Cacayan  sa kabila ng may kinakaharap pang kasong human trafficiking at large scale illegal recruitment.

Gayunman, nagpahayag din ng pangamba si Lasala na posibleng lumabas ng bansa si Cacayan upang takasan ang kanyang kaso at ang posibleng pag-aresto dito.

Dahil dito,masusing binabantayan at minomonitor ng mga ahente ng NBI si Cacayan sa kanyang probinsya sa Alicia, Isabela, dahil na rin sa hindi nito pagdalo sa preliminary investigation sa kanyang kasong illegal recruitment.

“There is no warrant yet issued against Cacayan since it is still in the preliminary investigation (PI). If the prosecutors found probable cause to indict Cacayan in court, then it is up to the court to issue a warrant of arrest,” ayon kay Lasala.

Magugunita na sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain ay binitay noong Marso 30 sa China matapos makumpiskahan ng heroin pagpasok sa airport ng nasabing bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply