Calibration ng taxi na may plakang 4, 9 ending umpisa na

SINIMULAN na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pag-calibrate ng taxi units na may ending na 4 at 9.

Ayon kay LTFRB board member Manuel Iway, bukas na ang calibration sa mga nasabing taxi units, kung saan sa unang linggo ng Mayo naman ang pagcalibrate sa mga taxi na may ending 5 at 0.

Pagkatapos nito, inaasahan ng ahensiya na sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo ay calibrated na ang lahat ng taxi unit sa bansa.

Aniya, ang mahuhuling hindi pa calibrated ay parurusahan ng ahensiya.

Umaabot sa P2,500 kada huli ang multa sa bawat taxi na makikitang hindi pa calibrated mula ikalawang linggo ng Mayo at sa mga susunod pang mga buwan.

Una nang inanunsiyo ng LTFRB na bukas na ang ahensiya sa pagkakaloob ng special permits sa Metro Manila buses at iba pang sasakyan sa Kalakhang Maynila na nais pumasada sa mga lalawigan sa Semana Santa. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply