Caloocan monument circle tambayan ng mga putatsing

GINAGAWA raw na pugad ng mga pokpok o “kalapating mababang lipad” ang Caloocan Monument Circle sa Edsa, Caloocan City.

Hindi lang natin alam kung nakikita ito ni Caloocan Mayor Recom Echiverri sa tuwing dumaraan siya sa nasabing lugar.

O baka naman nakikita na ni meyor pero nagbubulag-bulagan na lamang siya dahil sa may ganansya na nakukuha mula sa mga  pokpok na nagbebenta ng  panandaliang aliw. Mayor Recom, basahin ninyo itong nilalaman ng text message ng inyong constituent.

Gud pm, Sir Johnny.

Nais ko lang iparating sa inyong tanggapan na sana po ay mapansin naman ni Caloocan Mayor Recom Echiverri  itong Caloocan monument circle. Dahil sa ginagawa na itong pugad ng mga kalapating mababa ang lipad o pokpok.

Gabi-gabi na lang na kumakalat ang mga ito sa circle ng monumento. Maging sa Grand Central Metrobank at Araneta Square ay makikita ang mga ito na nakatayo at nag-aalok ng sex sa mga dumaraan na kalalakihan.

Mayroon namang nakatambay na mga pulis pero parang mga bulag sila na walang nakikita. Bakit hindi rin hinuhuli ng mga pulis ang mga pokpok kahit lantaran ang ginagawang pag-aalok ng sex sa mga kalalakihan? Salamat po.

oOo

Katawan ng mga bebot kinakalakal

Gaya sa Caloocan monument circle, ang Lido de Parish KTV ay ginagawa ring sentro ng prostitution.

Dahil kinakalakal ng mga may-ari ng Lido de Parish ang katawan ng kanilang mga GRO.

Ang masakit pa nito,  ginagamit ng isa sa mga may-ari na si Wilson Chua si Manila Mayor Fred Lim na malakas siya dahil kumpare raw niya ito.

Mayor Lim, kilala niyo nga ba si Wilson Chua? E sinasangkalan ng ulol na ‘yan ang pangalan ninyo sa kanyang bahay putahan!!!

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply