Canadian nagbaril sa sarili sa Davao

NAGBARIL sa sarili ang isang Canadian national sanhi ng matinding sakit sa Davao City.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa kanang sentido ang dayuhang si Warren Johnson, 64-anyos, may asawa, pansamantalang nakatira sa Purok 20, Mana-mana, Bucana, Barangay 76-A, Davao City.

Sa report ni PO2 Danilo Aleog ng San Pedro Police, naganap ang insidente dakong alas 10:30 kamakalawa ng gabi sa mismong tinutuluyang bahay nito.

Bago ito, palagiang idinadaing ng biktima sa kanyang mga kapitbahay ang pananakit ng pancreas at ang pagmamanas din ng katawan partikular ang kanyang magkabilang paa.

Pinaniniwalaang iniumang umano ng banyaga sa kanyang kanang sentido ang kanyang baril at nagulantang na lamang ang mga kapitbahay dahil sa alingawngaw ng putok ng baril.

May  nakuha ang pulisya na suicide note na ang nakasaad ay “I am very sick and I am very weak now, and I am suffering severe pain from my pancreas, time to stop to eat,” nakasaad sa nakasulat sa notebook nito. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply