Trak nahulog sa bangin, 9 patay, 26 sugatan

UMAKYAT na sa siyam ang bilang ng mga namatay, habang may 26 iba pa ang malubhang nasugatan ng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang cargo truck sa isang barangay sa bayan ng Opol, Misamis Oriental, kaninang umaga.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang 6:00 ng umaga nang maganap ang sakuna sa bangin ang sinasakyang 10-wheeler truck ng mga biktima na pawang manggagawa sa isang palm oil plantation sa Brgy. Tingalan.

Base sa inisyal na impormasyong ipinarating sa tanggapan ni PNP spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz JR,  tatlo sa siyam na namatay ay kinilalang sina  Ernie Buna, Bobong Quitos at driver na nakilala lamang sa pangalang si Loloy.

Base sa salayasay ng isang Jeffrey Magpulong, isa sa mga nasugatan na matulin ang takbo ng nasabing truck nang bumaklas ang gulong ng trak at agad na bumulusok ang sasakyan sa bangin.

Karamihan sa mga namatay ay nagtamo ng maraming sugat sa ulo at wasak ang mga buto sa kanilang katawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply