Carwash boy pisak sa lilinising sasakyan

DEDO ang isang carwash boy matapos maipit ng sasakyang lilinisin sana sa Malabon City, Lunes ng tanghali, Abril 18.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Arden Pelayo, 20, carwash boy ng Robel Carwash sa Gervacio st., Hulong Duhat dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Base sa ulat, dakong 12:35 ng tanghali nitong Lunes, magpapalinis ng Toyota Fortuner (ZRR-148) si Joey Ventil sa nasabing carwash.

Ibinigay nito ang susi kay Jerry Malajos, kasamahan ng biktima, upang madala ang sasakyan sa steel ladder para mahugasan pati ang ilalim.

Inalalayan naman ng senyas ng biktima si Malajos subalit nagkamali ito ng kalkula at dumulas sa ladder ang sasakyan hanggang sa maipit ang biktima.

Matapos ang insidente, agad na tumakas si Malajos habang dinala naman si Pelayo sa nasabing pagamutan.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply