CBCP, EcoWaste, hangad ang trash-free Holy Week

NANANAWAGAN ng isang ‘Green at Trash-Free’ Holy Week ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at environmental watchdog na EcoWaste Coalition ngayong taon.

Nagkaisa ang CBCP at ang naturang environmental group na dapat na samantalahin ng publiko ang Semana Santa upang maipakita rin ng tao ang pagmamahal sa kalikasan.

Ayon kay Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), mas makabubuting habang nagninilay-nilay at nagsisisi sa mga nagawang kasalanan ngayong panahon ng kuwaresma, ay panatiliin pa ring malinis ang kapaligiran.

Batay sa obserbasyon ng simbahan at ng EcoWaste, marami pa ring basura ang nakikitang itinatapon sa gilid ng kalsada kahit pa Holy Week, at mismong ang mga nagsasagawa ng Visita Iglesia sa mga simbahan ay nag-iiwan din ng mga basura.

Sinabi ng Obispo na sa halip na magkalat, mas makabubuti kung gawing penitensiya ng tao ang pamumulot ng basura sa kalsada habang naglalakad ang mga ito patungo sa mga simbahan.

“A ‘green’ Holy Week is a timely call in response to the wastefulness and greed that is blatantly trashing our fragile environment,” ani Iñiguez.

Hinikayat pa ni Iñiguez ang lahat na magsagawa rin ng plano para sa isang “earth-friendly at spiritually nourishing week.”

“We are inviting the faithful to celebrate the Holy Week with a pledge to cut back on garbage and pollution as part of our spiritual works of penance, charity and reconciliation,” ayon naman kay Roy Alvarez, pangulo ng EcoWaste Coalition.

“The fact that Earth Day this year falls on Good Friday is indeed good for the environment as this should mean less cars on the streets, less energy use in malls, less noise, less non-essential consumption and less garbage. Let Good Friday be a Good Earth Day as well,” dagdag pa ni Alvarez. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply