CBCP nakiisa sa panawagang dagdag-sahod

NAKIISA ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagan ng mga manggagawa sa pamahalaan dagdagan ang sahod upang makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, dapat umanong pakinggan ng Pangulong Benigno Aquino III ang kahilingan ng mga manggagawa na magkaroon ng umento sa sahod.

Paliwanag ng Obispo, patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, may pagtaas din sa singil sa kuryente at patuloy rin ang pagsirit ng presyo ng langis kaya nakiisa na rin siya sa nasabing panawagan.

“The price of almost everything is increasing, so how can our workers cope? These capitalists cannot let our workers run dry,” ani Pabillo, na siya ring chairman ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA).

Kasabay nito, hinamon pa ng Obispo ang Pangulo na maging totoo sa kanyang pangako sa bayan noong panahon ng kampanya na sosolusyunan ang kahirapan sa bansa.

“I hope he remains true to his promise—that he will provide solutions to the problems facing the poor and the ordinary workers,” anang Obispo.

Samantala, pinuna rin ni Pabillo ang pamahalaan sa pagbibigay ng “fuel subsidy” sa public transport.

Aniya, ito ay isa lamang umanong “short-term solution” para sa nararanasang problema at  kahirapan ngayon ng maraming bilang na mamamayan sa bansa. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply