CBCP ok sa mga pari na pabor sa RH Bill

NIRERESPETO ng mga Obispo ng Simbahang Katoliko ang mga paring pumapabor sa tinututulan nilang Reproductive Health (RH) bill.

Ito ang tiniyak kahapon ni Pampanga Archbishop Paciano Aniceto, na una nang umamin na may ilang mga pari na pabor sa RH bill, sa kabila ng pagtutol ng Catholic bishops.

Paliwanag ni Aniceto, ang simbahan ay isang pastol lamang, na bagamat nagtuturo ng mabuting asal at aral ay hindi naman nito maaaring pilitin ang isang tao na maniwala at sumunod sa kanya.

“The Church is like a shepherd, we are teaching them the true value of life and the official teaching of the Church, but we are not forcing them if they do not agree,” ani Aniceto.

Iginiit din ni Aniceto na ang pagtutol ng Simbahan sa isyu ng reproductive health ay hindi naman nangangahulugan na hindi nila nirerespeto si Presidente Benigno Simeon Aquino III.

Anito, tutol lamang sila sa polisiya nito dahil labag sa moral at kultura ng mga Filipino.

Una rito, inamin ni Aniceto na magkakasalungat ang mga taong simbahan sa posisyon sa RH bill.

Aniya, maaaring nalilito lamang ang ilang pari at hindi lubos na alam ang kubuuang nilalaman ng probisyon ng panukala.

Paliwanag nito, hindi naman maiiwasan ang ilan na sumalungat sa ilang mga isyu sa simbahan, at nirerespeto naman nila ang mga opinion ng mga ito.  Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply