Celtics, Heat agawan sa pangalawang puwesto

NAKISALO ang Boston Celtics sa second spot ng Eastern Conference matapos kaldagin ang Philadelphia 76ers, 99-82, kaninang umaga (Abril 6) sa nagaganap na 2010-11 National Basketball Association regular season.

Kumana si Celtics forward Paul Pierce ng 18 puntos, pitong rebounds at apat na assists para saluhan ang Miami Heat sa pangalawang puwesto ng EC sa hawak na 54-23 win-loss card.

Tumulong sa opensa ng Celtics sina Rajon Rondo, Kevin Garnett at Ray Allen na may 16, 14 at 13 ayon sa pagkakasunod upang punuan ang pagkakawala ng kanilang sentrong si former NBA MVP Shaquille O’Neal na bumalik ulit sa injured list.

Kababalik lang sa paglalaro ni O’Neal noong Linggo matapos lumiban ng 27 laro ng biglang ilabas ito sa laban nila kotra Detroit Pistons dahil sa strained right calf muscle.

Ayon kay Celtics coach Doc Rivers hindi pa nito alam kung kelan babalik ang pambato niyang sentro. “Honestly, I don’t know what to do,” sabi ni Rivers.

Kinapos ng dalawang puntos si 76ers reserve Evan Turner upang itala ang career-high matapos maglagak ng 21 puntos.

Sinegunduhan ni Elton Brand si Turner sa opensa matapos tumikada ng 12 puntos, five boards at three assists habang si Jrue Holiday ay gumawa ng 11 puntos, apat na assists at tatlong rebounds.

Samantala, hindi maawat ang Chicago Bulls sa pagsuwag sa kanilang mga katunggali matapos sagasaan ang Phoenix Suns, 97-94 upang manatiling matibay sa top spot ng EC.

Sa ibang NBA resulta, ginapos ng San Antonio Spurs ang Atlanta Hawks, 97-90, habang lumuhod ang Houston Rockets sa Sacramento Kings, 101-104. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply