Charice bibirit sa laban ni Pacquiao kay Mosley

MALAKI ang pasasalamat ni Charice kay Manny Pacquiao dahil siya ang napiling kumanta ng pambansang awit natin sa nalalapit na laban ng pambansang kamao kay Sugar Shane Mosley na gaganapin sa  MGM Grand Arena in Las Vegas, Nevada sa May 7.

Sa Twitter account ni Charice ay sinabi niya ang: “Thank you Sir Manny Pacquiao for choosing me to sing the Philippine Nat’l. Anthem for your fight. Feel really blessed :)”

Bongga!

oOo

Angelica Jones ipaglalaban ng patayan ni Gov. ER Ejercito

MAY napisil nang kapalit si Governor Jorce ‘ ER’ Ejercito Estregan sa hindi pagkakatuloy ni Gov. Vilma Santos bilang leading lady niya sa pelikulang “El Presidente” na film-bio ni General Emilio Aguinaldo.  Ayaw pa niyang i-reveal kung sino ito. Uunahin daw niyang gawin ang “Asiong Salonga.”

Nu’ng Holy Week ay hindi umalis si Gov. ER. Nagpa-confine na lang siya sa ospital para magpa-general check up at magpahinga na rin.

Nagsalita rin siya sa kinasasangkutan ng Board Member ng Laguna na si Angelica Jones, suportado raw niya ito sa isyu nito kay Illac Diaz.

Matatandaang sa harap ng publiko, inakusahan ni Illac si Angelica na may anomalya itong ginawa sa pondo ng bottle school project nila. Dinemanda ni Angelica si Illac. Base sa sarili nilang imbestigasyon, wala raw silang nakikitang katiwalaang ginagawa si Angelica. 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply