Oil price hike ikinasa ng Chevron

NAGTAAS ang Chevron Philippines ng 25 sentimos sa kanilang mga produktong petrolyo umaga ng Martes, Abril 5.

Bandang 6:00 ng umaga nagtaas ang naturang kumpanya ng langis sa kanilang regular at premium products.

Ayon sa kanilang pahayag, labis na naapektuhan ang pag-aangkat ng oil products dahil sa kaguluhan sa Middle East kaya napilitan silang magpatupad ng umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Samantala, hindi pa rin naman nagtataas ng kanilang produkto ang iba pang kompanya ng langis ngunit nagbabanta na rin ang mga ito na sumunod sa Chevron.Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply