Chinese national natagpuang patay

HINIHINALANG dalawang araw ng patay ng madiskubre ang isang 51-anyos na matandang dalagang Chinese national nang umalingasaw ang amoy nito sa katabing unit sa inuupahang silid sa Binondo, Manila nitong umaga ng Huwebes Santo.

Nakilala ang biktimang si Benita Tan, matandang dalaga, negosyante nanunuluyan sa ika-dalawang palapag sa Rm. 2-C sa Red Fortune na matatagpuan sa 469 Tomas Pinpin sa panulukan ng Sabino Padilla st.sa Binondo.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 11:00 ng umaga nang umalingasaw ang masangsang na amoy na nanggagaling sa kuwartong inuupahang sni Tan.

Inakalang patay na hayop lamang ang naaamoy sa ilang katabing silid kaya minabuting ipagbigay alam ito sa caretaker ng gusali. Tumambad sa kanila ang nakahandusay na bangkay na namamaga na ang at pinagpipiyestahan na ng sangkatutak na bangaw.

Dahil dito, ang bangkay ay dinala sa Universal Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya. Rene Crisostomo

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply