Christian Festival sa Marikina dinagsa

DINAGSA ng mga deboto ang katatapos na Christina Festival sa lungsod ng Marikina kasabay ng pagdaraos ng Semana Santa mula noong April 18 na nagtapos sa Holy Friday.

Ang Marikina na dominado ng Roman Catholic ay nagpakita ng tradisyunal at modernong paraan ng pagdaraos Lenten season kung saan ginunita ang pagsilang, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus

Nabatid na nagdaos ng mga religious film showing sa iba’t-ibang barangay gaya ng Nangka, IVC, Malanday, Tumana, Parang at Fortune, habang ang senakulo ay sa Our Lady of Abandoned Church, Freedom Park, at nagtapos sa River Park Amphitheater at ang  Lenten retreat naman ay sa Teatro Marikina.

Ayon kay Marikina Mayor Del de Guzman, sa kabila ng pagiging urbanisado ng lungsod ay napanatili nila ang Lenten tradition tulad ng Pabasa (reading of the Passion) at   colorful processions ng religious images. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply