Cimatu kikilatisin ni PNoy

MANANATILI pa rin sa puwesto si Special Envoy to the Middle East si retired General Roy Cimatu hanggang Hunyo 30 at nakasalalay sa kanyang “performance assessment” kung mapapalawig pa ang kanyang panunungkulan o tuluyan nang aalisin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ito ang pahayag Lunes, Abril 11, ni Executive Secretary Paquito Ochoa matapos na lusawin ng Pangulo ang tanggapan ni Cimatu na Presidential Middle East Preparedness Committee (PMEPC) at bumuo ng bagong high level team na kanyang inatasan na mag-monitor sa kalagayan ng bawat overseas Filipino workers (OFWs), partikular na sa mga bansang may kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Palace official, si Cimatu na rin ang puwedeng makatulong sa kanyang sarili kung siya ay magiging epektibo pa na manatili sa kanyang posisyon o maging malamya ang kanyang pagganap sa kanyang tungkulin na siyang pagbabasehan ng Chief Executive sa kanyang kapalaran sa burukrasya.

Si Cimatu ay nahirang bilang Special Ambassador sa panahon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo para mamumuno sa binuwag na PMEPC. Nagsilbi rin ito bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff sa nakalipas na administrasyon.

Kabilang ang pangalan ni Cimatu na nadawit sa isinagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa sinasabing anomalya sa hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, partikular na ang kontrobersiya sa “pabaon” sa mga nagreretirong AFP Chief. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply