Pagpapasara sa Claret School sa QC ‘di totoo – BFP-QCFD

NILINAW kahapon ng Bureau of Fire Protection-Quezon City Fire Department (BFP-QCFD) na ang Claret School of QC ay tumutupad sa fire safety sa Fire Safety Code ng Pilipinas.

Una nang naihayag na sa rekomendasyon umano ni Sr. Supt. Bobby V. Baruelo, district marshal ng BFP-QCFD, ipinasasara ni Quezon City mayor Herbert Bautista ang Claret at Blue Ridge Christian Academy dahil sa hindi pagsunod umano nito sa mga palatuntunin ng Fire Safety Code of the Philippines.

Ngunit sa pahayag ni Baruelo, walang katotohanan ang mga nalathala sa mga pahayagan na lumabag ang nasabing paaralan sa Fire Safety Code dahil kumpleto sa requirements ang mga gusali nito hinggil sa fire safety.

“I hereby categorically state that based on factual data, there is an on-going compliance of fire safety requirements by the Claret School of Quezon City,” saad ni Baruelo.

Aniya, nakipag–ugnayan na rin ang school administrator ng CSQC sa BFP-QCFD para sa full implementation ng fire safety projects ng kanilang eskuwelahan at lahat requirements ay nagawa na.

Ayon naman sa mga opisyal ng Claret, bago pa lumabas ang pahayag ay mayroon na silang ilang fire safety requirements, tulad ng automatic emergency lights, directional exit signages, fire extingushers at fire alarm systems.

Ani pa ng mga opisyal, nag-inspeksyon sa Claret noong Abril 1 si Sr. Supt. Pablito Cordeta, director ng NCR-BFP, kasama ng ilang staff nito.

Sinabi ng NCR-BFP director na taliwas sa naihayag na kailangan nito ng water sprinkler system, kung ‘di kailangan lamang ng add-on na wet standpipe system.

Bukod pa rito, nagsasagawa rin sila ng fire and safety prevention seminars para sa mga faculty, staff at estudyante nito at noong SY2010-’11 lamang ay nagsagawa ito ng 14 fire drills.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply