Co-pilot ng bumagsak na jet trainer plane nakita na

NATAGPUAN na ng mga tauhan ng Philippine Army ang mga labi ng co-pilot ng bumagsak na eroplano ng Philippine Air Force sa Barangay Banawang, Bagac, Bataan.

Matapos ang search and retrieval operation ng mga awtoridad bandang 6:20 Biyernes ng umaga, Abril 29, ay narekober ang bangkay ni Capt. Raymond de Leon.

Una nang nakita sa crash site ang mga labi ni Maj. Ephraim Gatus Suyoma matapos maaksidente noong Huwebes, Abril 28, ang sinasakyan nilang Aermacchi S-211 Trainer Jet.

Nabatid na nasa kalagitnaan sila noon ng kanilang training nang mangyari ang trahedya.

Bunsod nito, anim pang trainer planes ang hindi muna pinayagang makalipad habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa insidente, ayon kay PAF chief tgen Oscar Rabena. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply