Comelec workers tuturuan ng IT

PINAPLANO ng bagong Commission on Elections (Comelec) Commissioner na si Augusto Lagman na palakasin ang pagsusulong ng mga information technology (IT) training sa mga empleyado upang magamit sa susunod na automated election sa bansa.

Ayon kay Lagman,  imumungkahi niya sa isasagawang en banc session na palakasin ang kaalaman ng kanilang mga tauhan pagdating sa IT system.

Muli rin itong nanindigan sa hindi nito pagpabor sa paggamit ng precinct count optical scan (PCOS) machines sa halalan.

Sinabi nito na masuwerte lamang aniya at landslide victory ang nangyari kay Pangulong Benigno Aquino III kaya walang kuwestyon sa naging labanan sa pagkapangulo.

Pero sa ngayon, naglilitawan na aniya ang mga problema sa antas ng lokal na eleksyon.

Dahil dito, dapat aniyang tumingin ng ibang solusyon para sa mga darating na halalan at mayroon na siyang binubuong konseptong dapat gawin.

Hindi aniya katanggap-tanggap na mga banyaga ang nagpatakbo sa nakaraang halalan, kaya nais niyang sanayin ang mga IT personnel ng Comelec upang hindi sila umasa lamang sa kaalaman ng mga supplier.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply