Commemorative plate wag abusuhin– PNP-HPG

MAHIGPIT nang pinaalalahanan ng Philippine National Police Highway
Patrol Group (PNP-HPG) ang motorista sa paglalagay ng commemorative plate sa kanilang sasakyan para lamang gamitin bilang “palusot” sa traffic violations.

Ayon kay, PNP-HPG chief Supt. Leonardo Espina ang “Commemorative
at special plates ay hindi dahilan para balewalain ang batas-trapiko lalo na ang umiiral na number coding na ipinatutupad sa buong Kamaynilaan.

Mariing binalaan rin ni Espina ang lahat ng motorista lalo na ang may-ari ng pribadong sasakyan na itigil na ang paggamit ng commemorative plate para lamang hindi masita at maitago ang paglabag sa number coding.

Sinabi ni Espina ang pagpapalit ng commemorative plate kapalit ng
orihinal na plaka ng sasakyan ay paglabag sa Republic Act No. 4136 ng Land Transportation and Traffick Code ng Pilipinas.

Ang commemorative plate umano ay dapat ilagay sa magkabilang gilid ng sasakyan o sa itaas na bahagi ng orihinal na plaka ng sasakyan.

Sa kasalukuyan ang pamunuan ng PNP-HPG ay patuloy na nakatatanggap ng mga reklamo kaugnay sa paglalagay ng mga abusadong motorisata ng commemorative plate lalo na ang “NBI@75” plates na ipinamahagi ng National Bureau of Investigation (NBI) bago ang pagdiriwang ng
kanilang ika-75th anibersaryo noong  November ng nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Espina na ang palalagay ng specila plates ay
pinahihintulutan, pero huwag umano itong abusuhin at laging irespeto ang batas-trapiko.Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply