Commercial-residential building nasunog

UMAABOT  sa P200,000. halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy matapos sumiklab ang sunog sa isang commercial at residential area sa Tondo, Maynila Martes ng gabi, Abril 19.

Nagmula ang sunog sa restaurant sa ground floor ng tatlong palapag ng commercial at residential building na pag-aari umano ni Virgilio delos Reyes.

Ayon kay F/C Insp.Bonigacio Carta ng Manila Fire Bureau, dakong alas-6:06 ng hapon ng magsimula ang pagsiklab ng sunog sa nasabing gusali sa 656 Padre Rada st., Tondo, Maynila.

Napansin umano ng ilang empleyado at residente ang maitim na usok na lumalabas sa ground floor ng gusali.

Naapula naman agad ang sunog makalipas lamang ang isang oras. Inaalam pa ng mga imbestigador ang pinagmulan ng naturang sunog.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply