Construction worker pinagtulungang patayin

PATAY ang isang construction worker matapos itong barilin at saksakin ng limang hindi kilalang salarin Sabado, Abril 23, sa Makati City.

Dead on arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Nonie Pingit, 28, dahil sa tama ng saksak at  tama ng bala ng baril sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa na ng follow-up ang mga pulis laban sa limang hindi pa kilalang salarin.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P03 Nilo Sadsad ng Station Investigation Division (SID), Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:45 ng madaling araw sa panulukan ng Sweet Orange at Blobuz streets, Barangay Rizal ng nabanggit na lungsod.

Nabatid, na habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar, nasalubong nito ang mga suspek na armado ng patalim at baril.

Dito ay kinumpronta muna ang biktima at saka pinagtulungang gulpihin hanggang ilan sa mga suspek ang bumunot ng patalim at baril.

Sinaksak muna ng isa sa mga suspek ang biktima habang binaril naman ito ng isa pa. Nagawa pang maisugod ng mga rumespondeng tanod ang biktima sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply