Corporal, 7 pa arestado sa drug den sa ARMM

WALO katao kabilang ang isang army corporal ang inaresto ng mga tauhan ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa magkakasunod na anti-drug operations sa  Cotabato at Maguindanao.

Ito’y matapos ang isinagawang surveillance operation ng operatiba ng PDEA-ARMM sa hinihinalang drug den sa Washington St., Mother Barangay, Cotabato City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Corporal Lopez Kusingan, SN 819922, miyembro ng Philippine Army’s 52nd Engineer Brigade (EBde) na nakabase sa Bukidnon at Samsudin Sulaiman, naaktuhang palabas ng nasabing drug den.

Makalipas ang 30 minuto ay sumalakay muli ang PDEA ARMM at nagsagawa ng  buy-bust operation sa  Husky Bus Terminal, Tomanka, Cotabato City kung saan nadakip ang drug pushers na sina Kenneth Yap, Rowena Tanginesat Richard Ibasitas.

Sa kasunod na operasyon ay nadakip naman si Kungan Solaiman sa Magelco Area, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kung saan nakuha sa kanya ang isang sachet ng  shabu.

Sa hiwalay na operasyon naman sa pamamagitan ng search warrant ay inilunsad ang operawsyon sa Cotabato City at Maunawain St., Mother Barangay, Rosary Heights, Cotabato City.

Nahuli sa nasabing operasyon sina Lyndon Momando at Mary Ann Patay na nakumpiskahan ng apat improvised lighters, isang improvised glass tooter,  siyam basyo ng sachets na may shabu residue at aluminum foil strip. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply