Criminology student sinaksak, kritikal

ISANG criminology student ang kritikal sa pagamutan matapos pagsasaksakin ng isang suspek na nagtangkang agawin ang mamahaling kwintas ng una noong nakaraang Huwebes sa Navotas City.

Kasalukuyang nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamo nitong apat na saksak sa leeg at kanang hita ang biktimang si Marco Bridano Yabut, 17, first year student ng Word Cities College (WCC), at naninirahan sa Sampaguita St., Barangay San Roque ng nasabing lungsod.

Dahil sa agarang pagresponde ng tauhan ni Senior Supt. Florendo Quebuyen ng Navotas police, naaresto ang 15-anyos na suspek, na tatawagin nating si “Raymond.”

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Jenelyn Manabat, ng Women and Children Complaint Desk, ganap na alas-5:45 ng hapon ng maganap ang insidente sa Daang Banco, Barangay San Roque.

Ayon sa ulat, nakaupo ang biktima sa isang bangko sa tabi ng daan nang biglang dumating ang suspek at agad na hinawakan ang gintong kwintas nito sa leeg.

Nang tumanggi ang biktima, nagbunot ng patalim ang suspek at tatlong saksak agad sa leeg ang pinakawalan at isa naman sa kanang hita.

Nagkataon namang padaan ang nagrorondang mga tanod kung kaya’t nabigong matangay ng suspek ang nasabing kwintas at sa halip ay kumaripas na ng takbo.

Mabilis na dinala ng mga tanod ang sugatang biktima sa nasabing pagamutan kung saan inoobserbahan at dineklarang 50/50 ang tsansa nitong mabuhay.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad, nadakip ang suspek sa kanyang pinagtataguang lugar. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply