Dacer-Corbito case bubuksan ng DOJ

INIHAYAG na ni Justice Secretary Leila de Lima na muling iimbistigahan ng Department of Justice (DOJ) ang Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay de Lima, layon ng re-investigation na matukoy kung sino nga ba ang tunay na salarin sa pagpatay kina Bubby Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito.

Ito ay kasunod ng pagkaka-abswelto ng Court of Appeals (CA) kay Senador Panfilo Lacson sa kaso.

Naantala ang pagdedesisyon ni de Lima dahil pinag-isipan muna nilang mabuti kung iaapela sa Korte Suprema ang nasabing desisyon ng CA o magsasagawa na lamang ng reinvestigation.

Nilinaw naman ng kalihim na sa susunod na linggo ay ilalabas na nila ang mga procedure para sa gagawing reinvestigation.

Ang tiyak lamang aniya ay si Prosecutor General Claro Arellano ang mangunguna sa bubuuing three-man panel. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply