Dagdag-kapangyarihan ng Ombudsman inihain

INIHAIN sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayong dagdagan ang kapangyarihan ng Office of the Ombudsman upang higit itong maging epektibo sa pag-uusig sa mga korapsyon sa gobyerno.

Sa Senate Bill No. 1447 na inihain ni Sen. Juan Miguel Zubiri, pinabibigyan ang Ombudsman ng mas malawak na kakayahan sa pagkalap ng mga ebidensya upang wala na itong maikatuwiran sa pagkatalo ng maraming kaso sa Sandiganbayan.

Tinukoy ni Zubiri na maraming corruption cases na isinampa ng Ombudsman ang na-dismiss ng Sandiganbayan dahil kapos ang mga ito sa ebidensya.

Layunin ng panukala na pahintulutan ang Ombudsman na mag-isyu ng mga subpoena para malantad ang mga rekord ng bangko at iba pang dokumento na kailangangan sa pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply