Dagdag lakas ang Liga Pilipinas

IBAYONG lakas ng mga kalahok na team ang masisilayan sa pagbabalik-laro ng Liga Pilipinas ngayong hapon, Abril 26, sa Sto Domingo Gym sa Ilocos Sur.

Dalawang bagong ball team, ang Ilocos CS Tigers ni politician/sportsman Gov. Chavit Singson at isang team mula sa Pampanga na tatanganan ni Allan Trinidad ang maghahatid sa kabuuang pitong bilang na kalahok sa ika-5 conference.

Ang dating teams ay kinabibilangan ng defending champion M. Lhuiller-Cebu Ninos, runner up Misamis Oriental Meteors ni Gov. Oscar Moreno, MP General Santos Warriors ni boxing idol/Congressman Emmanuel Paquiao, Mandawe-Cebu Landmasters at ng Laguna Lions ni Gov. E. R. Ejercito.

Pambato naman ng Ilocos CS Tigers na gagabayan ni coach John Cardel ay sina Chito Jayme, Warren Ybanez at Marlon Basco habang ang Laguna Lions ay palalakasin sa pagpasok nina EJ Feihl, ex-pro Gherome Ejercito at ng 6’5″ Fil-am na si Anthony Athie.

Ang ika-limang season ng liga na susulong sa Ilocos Sur mula sa Abril 27-30 ay pasisimulan ng sagupaan ng Cebu Ninos Vs Laguna Lions na susundan ng laban ng host na si Ilocos CS Tigers laban sa MP Gensan Warriors.  Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply