Dagdag na suweldo sa public school teachers malabo pa

INIHAYAG ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na malabo umanong magkaroon ng dagdag na suweldo para sa mga public school teachers sa bansa sa pagbubukas ng pasukan sa Hunyo o school year 2011-2012.

Sinabi ni Education Secretary Bro. Armin Luistro na ang pondong hawak ngayon ng DepEd ay naka-allocate na sa iba-ibang pangangailangan ng kagawaran sa loob ng isang taon.

“Ang aming concern ngayon sa DepEd ay ang pagtutok sa kalusugan ng ating mga guro. So far ay wala pa tayong nakalaan na pondo para sa dagdag na suweldo para sa kanila ngayon taon,” ani Luistro.

Una rito, nagprotesta ang iba-ibang teacher organizations sa bansa sa pangunguna ng Teacher Dignity Coalition (TDC) na humihiling ng dagdag na P6,000 suweldo kada buwan.

Hindi na umano magkasya ang “kakarampot” na suweldo sa araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa, kabilang na ng pagtaas ng singil sa kuryente at patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply