Dagdag-sahod igigiit ng gov’t employees

MAGSASAGAWA ng kilos-protesta sa Huwebes, Abril 7, ang mga empleyado ng gobyerno, kabilang na ang mga pumpublikong guro at health workers.

Ito ay upang manawagan sa administrasyong Aquino na itaas ang kanilang sahod.

Ayon kay Mau Aguilar, spokesperson ng Wage Fight at miyembro ng Judiciary Employees Association, kanilang hinihingi ang P6,000 na dagdag sa minimum pay sa lahat ng empleyado ng gobyerno.

Ang martsa ay magsisimula sa University of Santo Tomas (UST) sa España Boulevard hanggang Mendiola patungong Malakanyang.

Magkakaroon din ng magkakasabay na rally at noise barrage sa katanghalian sa iba’t ibang parte ng bansa.

Giit pa ni Aguilar, hindi sapat ang kinikita ng mga kawani ng gobyerno ang para tustusan ang mga gastusin lalo pa’t patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply