Daiana Menezes ipoposas ng BIR for tax evasion

DAHIL sa kapana-panabik na celebrity line-up ng mga “Talentadong Pinoy,” paniguradong tututukan ito ng mga manonood upang masaksihan ang mga nakaaaliw pero malulupit na performances mula sa malalapit na kaibigan ni Ryan Agoncillo — sina Daiana Menezes (Keber kung headline siya sa kasong tax evasion na sinampa laban sa kanya ng BIR. Hindi kaya pagkatapos niyang mag-show ay nakaabang na ang posas para sa kanya? _ED.),  Jose at Marion ng “Fear Factor,” Miriam Quiambao, Jeffrey Santos, at LJ Moreno.

Ang mga espesyal na talent scouts ay kinabibilangan ng asawa ni Ryan na si Judy Ann Santos-Agoncillo, Shalala, Direk Joey Reyes, at Congress representative Lucy Torres-Gomez.

Join din ang biyenan ni Ryan na si Mommy Carol bilang Chairman ng Jury. Ngayon Sabado ng 8:30 ng gabi at Linggo ng 7:30 ng gabi sa TV5. Bernie Villaflor

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply