Dalaga dinukot saka niluray ng 2 rapist

ARESTADO ang isa sa dalawang lalaking gumahasa sa isang  dalaga nitong Biyernes Santo sa Quezon City.

Nakakulong na sa Galas police station at sasampahan ng kaukulang kaso si Krishna Kim Cruz, 20, ng Kapiligan St., Barangay Doña Imelda.

Ikinasa na ng pulisya upang panagutin sa krimen ang isa pang kasamahan ni Cruz na pansamantalang hindi muna ibinunyag ang pangalan para hindi makaapekto sa planong paghuli sa kanya.

Sa ulat ng Quezon City Police (QCPD), nadakip ng mga barangay tanod ang suspek kahapon ng 12:30 ng madaling-araw sa mismong bahay nito.

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Precious, bago ang insidente ay nanonood siya ng pelikulang pang-Semana Santa kasama ang ilang kapitbahay sa Kapiligan Street.

Sa gitna ng kanyang panonood, sinabi ng biktima na biglang lumapit si Cruz at tinutukan siya ng kutsilyo sa tagiliran bago binantaang papatayin kapag hindi siya sumama ng maayos.

Dinala umano siya ng mga suspek sa isang abandonadong bahay sa Kapiligan Street  dakong alas-11 ng Biyernes Santo at doon ay halinhinang ginahasa.

Matapos ang panggagahasa ay agad ini-report ng biktima sa barangay hall ang insidente dahilan  kaya nahuli ang isa sa rapist.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply